Epekto ng Sosyal Medya sa Paggamit_ng_Modernisado o Bagong Usbong na Salita

7

Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Meycauayan
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGHSCHOOL
Camalig, City of Meycauayan Bulacan





“Epekto ng Sosyal Medya sa Paggamit ng Modernisado o Bagong Usbong na Salita ng mga Kabataan sa Meycauayan National High School - SHS sa Taong Panuruan 2021-2022”




Guimera, Katherine Cielo
Boleche, Aira Jhane
Borja, Baby Ryza
CariƱo, Mark Adrian
Valencia, Charlene
Valle, Dannah


S.Y. 2021-2022
ABSTRAK

2 / 7






















INTRODUKSIYON

3 / 7
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa kasalukyan. Nagiging isa itong tulay sa pagkatuto ng bawat isa sa ating pang araw-araw na buhay. Ito rin ang nagiging instrumento sa pagkamit ng ating nga kailangan at kagustuhan. Kaya naman ay mahalaga na patuloy pagsusumikapang matuto pa ng mga makabagong salita upang patuloy na mapagyaman ang wika sa bansa.

Panimula
Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa epekto ng sosyal medya sa bokabularyo ng mga kabataan na mag-aaral ng Meycauayan National High Scool Senior High School sa taong pampanuruan 2021-2022.
Ang mga mananaliksik ay humantong sa paksang ito dahil aming napapansin na maraming kabataan o estudyante sa panahon ngayon na ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa mga sosyal media sites. At napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa sosyal medya sites na ito ay tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod ng modernisasyon ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung indikasyon ba ito na patuloy ang pagyabong ng wikang Filipino.
Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay patuloy din ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino. Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-bang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag sa isang salta o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salta upang mas madaling maintindihan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.

4 / 7
Sa pagpipili ng paksang ito, ang mga mananaliksik ay isinaalang-alang din ang kahalagahan ng pag-aaral na isasagawa. Sinimulan nila ito dahil naniniwala silang masasagot ang bawat tanong na sumisibol sa kanilang isipan patungkol sa modernisasyon ng wika. Gamit ang mga makakalap nilang datos at impormasyon ay siyang magiging batayan ng mga kasagutan sa mga suliranin na pinag-aaralan ng mg mananaliksik sa pananaliksik na ito.

Saklaw ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang Epekto ng Sosyal Medya sa Paggamit ng Modernisado o Bagong Usbong na Salita ng mga Kabataan sa Meycauayan National High School - SHS sa Taong Panuruan 2021-2022.
Partikular, ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang sumusunod na tanong:
  • 1. Alin sa tatlong pinakasikat na sosyal medya platform (facebook, twitter, at instagram) ang pinakaginagamit ng mga magaaral sa baitang 11 at sa baitang 12?
  • 2.  Sa papaanong paraan nakakaapekto ang sosyal medya sa kasanayan ng mga kabataan sa pag- gamit ng modernisado o bagong usbong na mga salita?
  • 3. Nakakaapekto ang modernisadong wika sa pagsulat ng akademikong sulatin dahil sa mga nababasa o nakikita ng mga kabataan sa mga social media sites?

Kaligirang Panliteratura
Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay nabibilang sa henerasyon na kung tawagin ay
Generation Z. Ang pag-usbong ng mga bagong salita na kadalasan ay sa sandaling panahon lamang maririnig ay galing sa malawak nilang pag iisip. Sa panahon ngayon, madalas na ginagamit ng karamihan ang salitang balbal. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Iba't-ibang paraan ang ginagamit upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng salita.  

5 / 7
Masasabi sa pananaliksik nina Baldon et al. (2014) na ang mga respondente ay naniniwalang pinakaunang salik sa pagbago ng wika ay ang paggamit ng teknolohiya at sosyal medya.
Sa patuloy na pagtagal ng panahon ay siya ring paglaganap ng modernisasyon sa bansa. Ang pag usbong ng teknolohiya ang naging dahilan kaya't napapadalas ang paggamit ng internet nating mga Pilipino.  
Ayon sa Digital 2019, isa sa nangunguna ang bansang Pilipinas sa dami ng gumagamit ng social media platforms. Nalaman na gumugol ng pang karaniwang sampung oras at dalawang minuto sa online, na tumaas sa siyam na oras at dalawampu't siyam na minuto ang ginugol sa bawat araw ng mga Pilipino sa nakaraang taon. Dagdag pa roon ay nangunguna rin ang Pilipinas sa pagdating naman sa oras sa paggugol gamit ang internet sa harap ng isang kompyuter o laptop.  

Base sa datos ng Statista Research Department, facebook ang nangungunang uri ng social media na ginagamit ng mga pilipino sa taong 2020. Malaki ang epekto ng facebook at social media sa wika. Dahil ito ay nagiging dahilan ng pagbabago sa orihinal na salita.

Sinabi sa pag-aaral ni Waling (2009) ang unang henerasyon ng internet ay tinawag na positibong paglalathala o passive display. Lumawak ito at humikayat sa mga gumagamit na magbahagi ng kanilang mga ideya, palagay o maging ang mga malikhain nilang gawa o likha.  

Ayon kay Hernandez (2016) naging daan naman ang mga social networking site para epektibong komunikasyon ng bawat isa lalo na at parehas na wika ang ginagamit para magkaintindihan. Isa ang "Vines" na halimbawa ng social networking sites kung saan ay mga bidyo at mga letra ay limitado. Maliban dito, naimpluwensyahang maging imahinatibo sa paggamit ng

6 / 7
wika. Social Media rin ay isa sa dahilan sa pag-unlad ng wika na kung saan nagkakaroon o nabibigyan ng ibang depenisyon.
Sa pagpapa-unlad ng komunikasyon, nagkaroon ng paraan na tinukoy bilang social media. Kabilang ang mga website na ito: Facebook, Twitter at YouTube. Ang social media ay umunlad sa isang mash-up ng mga wika na ginagamit sa iba't ibang kultura at para sa mga layuning panlipunan. Sinabi na dahil sa social media ay napaghahalo natin ang iba't-ibang salita at nakagagawa ng akronym na ginagamit natin sa pakikipagkomunikasyon sa social media (Jimma 2017).

Kaugnay na Pag-aaral
Ayon kay Ailene Cerilo (2019) ipinupunto niya sa kanyang pag aaral ang mga negatibong epekto ng modernisasyon sa wikang filipino. Paliwanag niya na dahil sa mga kompanya ay kalimitang dayuhan ang mga nagmamay-ari at ang mga mangagawa ay obligadong ingles ang gamiting wika upang magkaintindihan. Dahil dito ay unti-unti ng nakalilimutan ng ibang Pilipino ang wikang filipino.
May mga salitang nakalimutan na, mga salitang hindi naiintindihan ng karamihan, mga salitang umuusbong, at mga salitang bumabalik ngunit may ibang kahulugan. Ang wikang Filipino, tulad ng mga gumagamit ng katawan, ay sumusunod sa uso. At, sa kabila ng mga pagbabago sa ating wika, patuloy itong nag-uugnay sa mga Pilipino nasaan man sila o ano pa ang kanilang katayuan. Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi maiiwasan na ang ilang sinaunang salita ay makalimutan o maging laos. (Jimenez, 2014)
Hindi maiiwasan na ang ilang sinaunang salita ay makalimutan o maging laos na bunga ng pag-unlad ng makabagong teknolohiya. Gumagamit ang mga mag-aaral sa lungsod ng iba't ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaimpluwensya sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang

7 / 7
mga acronym at ang paggamit ng mga titik na kumakatawan sa isang salita o paninindigan sa halip ng isang salita ay dalawang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo. (Jonalyn Albay)
Ayon kay Bragg (2004) Ang Rebolusyong Industriyal sa isang banda ay isang aspect ng modernisasyon na nagsimula noong ika-labing walong siglo kung saan ang sambayanan ng Briton ay nagsimula ang idustriya. Malaki ang epekto nito sa wika. Sinasabing ang Rebolusyong Industriyal ang isa sa mga pinagmumulan ng makabagong bokabularyo ngayon.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Nagkaroon ng malaking epekto sa wika ang pagkakaroon ng pagbabago ng panahon lalo na sa pagpasok ng modernisayon. Sa pamamagitan nito, makikita natin ang sanhi at bunga sa wikang ating ginagamit. Makikita ang kahalagahan ng pagaaral na ito sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral at kabataan. Makakatulong ito upang magkaroon sila ng kaalaman tungkol sa epekto ng patuloy nilang pagbabago ng mga salita sa wikang Filipino. Mga kabataan ang target ng pagaaral na ito. Sa kadahalinang sa kanila nagmumula ang pag-usbong ng mga bagong salita.
Sa mga mamayang Pilipino. Patuloy ang pagkahumaling ng mga tao sa paggamit ng teknolohiya. Kaya't makikita nila rito ang tungkol sa kung ano ang maaring maging epekto ng social media sa ating wika. Lubos na maiintindihan ang nagiging epekto sa wika ng mga bagay na nakikita sa internet.
Sa mga susunod pang mananaliksik. Magkakaroon ng mas malawak na ideya tungkol sa pag-aaral na ito. Ito ay maari nilang balikan upang kunan ng mga impormasyon tungkol sa kaparehong pagaaral.


Comments